LUBOS na karangalan at pasasalamat ang nadarama ngayon ni Southeast Asian Games 13-time gold medalist Joseph Eric Buhain nang mapabilang sa listahan ng 10 sportsmen, sa fourth batch ng Philippine Sports Hall of Fame.
“Pasasalamat sa Panginoon sa pagbibigay sa akin ng talento at determinasyon. Sa aking Daddy Bien at Mommy Cecile sa deka-dekada nilang pagsa-
sakripisyo at suporta sa aking swimming career. Utang ko sa inyo ang mapabilang sa Philippine Sports Hall of Fame,” simulang pahayag ni Buhain.
Ang PSHOF ay natatanging parangal na ibini-bigay sa mga dating atleta, coaches at mga opisyal na nagbigay karangalan sa bansa.
“Alay ko rin ang gawad na ito sa aking kabiyak na si Cong. Eileen Ermita-Buhain, sa aming tatlong dalaga, at buong sambayanang Pilipino. Mabuhay ang Philippine Sports! Mabuhay ang Atletang Pilipino!”
Maliban kay Buhain, kasama rin sa pinarangalan ng Philippine Sports Commission sina Paulino Alcantara (football), Dionisio Calvo (coach, basketball), Arianne Cerdeña (bowling), Robert Jaworski (basketball), Gertrudes Lozada (swimming), Elma Muros (athletics), Rogelio Onofre (athletics), Leopoldo Serrantes (boxing) at Roel Velasco (boxing). (ANN ENCARNACION)
