KOTONGERO NG DAYUHAN SA AIRPORT SAMPAL SA SONA NI DUTERTE

TILA sampal sa huling State of the Nation Address, o SONA, ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pananatili ng isang tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na garapalang kinokotongan ang mga Chinese national na hinaharang ang pagpasok sa bansa ng mga immigration officers.

Ayon sa ating nakalap na impormasyon, si alyas “GL” na isang immigration assistant na nakatalaga sa Border Control Intelligence Unit (BCIU) sa NAIA – Terminal 3 ay inilipat lang sa Terminal 1, imbes na ito ay tanggalin sa airport upang maiwasan na masangkot muli ito sa ­pagharass sa mga dayuhan.

Matatandaang dumating sa bansa noong June 9 ang tatlong Chinese nationals na sina Luo Zhiping, Yang Weirin at Zhou Qiang na hinarang ang pagpasok ng mga ito sa Terminal 3 at kinotongan ng halagang P1.2 milyon na nakapagbigay na ng ­paunang bayad na P800,000 sa pangakong aayusin sa main office ng BI ang kanilang recall of exclusion order, ngunit niloko ang tatlong dayuhan at pinabalik na sa kanilang bansa noong July 13 at sa kasamaang palad ay hindi ibinalik ang kanilang pera.

Bakit kaya hindi ito ­kayang tanggalin sa airport ng kanyang superior ­officers sa BI kasama rin kaya sa nakinabang sa P800,000 ang kanyang mga opisyal sa BCIU at Intelligence Division na nasunog na ang pera, kung kayat hindi na ito naibalik?

Ngayong araw sa SONA ng pangulo ay inaasahang ibibida nito ang walang humpay na pagtulong ng Chinese government sa pagdonate ng vaccine laban sa COVID – 19, ngunit alam kaya ng ­pangulo ang ginagawang harassment ng mga tauhan ng BI sa airport na si alias GL sa mga Tsekwa?

Ganu’n din ang pangongotong ni alyas “Macho Chiquito” sa BI main office sa mga dayuhang Chinese na nakapag overstay na sa bansa dahil sa tagal ng pandemic.

Ang malalang korapsyon na ito sa BI ay gawain lamang ng ilang opisyal ng ahensya na nais magpayaman sa kanilang sarili gamit ang kanilang kapangyarihan, ngunit hindi naman lahat ay mga korap.

oOo

PARA sa inyong Sumbong at Reaksyon, itext lamang ako sa 09158888410.

(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay sariling opinyon ng sumulat at hindi saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

214

Related posts

Leave a Comment