NO VACCINE, NO ENTRY SA LAPU-LAPU CITY BINAWI NA

SINABI ni Presidential spokesperson Harry Roque na binawi na ni Lapu-Lapu City, Cebu Mayor Junard Chan ang kanyang polisiya na “no vaccine, no entry” at nagbabawal sa mga unvaccinated individuals na makalabas ng kanilang bahay.

Tinukoy ni Sec. Roque ang polisiya ni Chan na naglilimita sa access ng mga unvaccinated individuals sa public at private markets, supermarkets, convenience stores at department stores at payagan lamang ang mga fully vaccinated individuals na makapasok sa mga nasabing establisimyento simula Agosto 25.

“That EO .. by the mayor has been revoked,” ayon kay Sec. Roque.

Nauna nang sinabi n Sec. Roque na maganda ang ginagawa ng Lapu-Lapu City sa kanilang COVID-19 vaccination program.

” With daily averages of inoculating 2,000 to as much as 8,200 a day which translated to a total of 39,000 people getting at least first dose of the vaccine,” ayon sa tagapagsalita ng Palasyo.

“As it is, such policy of prohibiting unvaccinated people from going out is not needed because people in Lapu-Lapu City are willing to be vaccinated,” dagdag na pahayag nito.

Matatandaang, binalaan ni Sec. Roque si Chan laban sa pagpapatupad ng naturang polisiya lalo pa’t ang suplay ng bakuna sa bansa ay hindi pa sapat.

Aniya, tinatayang nasa 9.3 milyong Filipino na ang “fully vaccinated” laban sa COVID-19. Ang pigurang ito ay malayo pa sa target na bakunahan ang 70% ng 109 million population ng bansa sa katapusan ng taon para makamit ang herd immunity. (CHRISTIAN DALE)

146

Related posts

Leave a Comment