OCTA RESEARCH PINAIIMBESTIGAHAN

IMBES makatulong, nagdudulot lang ng pagkaalarma o pagpa-panic ng mamamayan ang mga mungkahi ng OCTA Research Philippines.

Ito umano ang dahilan kaya isinusulong ng limang mambabatas sa Kamara na imbestigahan ang naturang grupo.

Partikular na pinaiimbestigahan nina Deputy Speakers Bernadette Herrera, Kristine Singson-Meehan, Reps. Sharon Garin, Deputy Minority Leader Stella Luz Quimbo at Quezon City Rep. Jesus “Bong” Suntay ang qualifications, research methodologies at partnerships and composition ng OCTA Research group.

Mula noong nakaraang taon ay kinagat ng media ang mga warning na isinasapubliko ng OCTA at maging ang mungkahi ng mga ito na ang pinakahuli ay ang pagtutulak ng “circuit breaker” or hard lockdown ngayong buwan.

“There is a public health and public policy need to ensure the safety and security of the population during this pandemic, and that information being distributed is correct and are not irresponsibly and erroneously published,” ayon sa House Resolution (HR) 2075 na inakda ng mga nabanggit na mambabatas.

Sinabi pa ng mga mambabatas na hindi rin nakakaiwas sa online criticism ang nasabing grupo dahil mistulang alarmist umano ang mga ito imbes na pakalmahin ang mga tao sa gitna ng pandemya.

Kuwestiyonable rin umano sa mga nabanggit na mambabatas ang case projection ng OCTA dahil ibinabase nila ang kanilang opinyon sa mga kaso ng COVID-19 na naitala sa nakaraang 2 linggo.

“Even a student of clinical epidemiology will tell you that that is not valid because cases that happened within the last two weeks are subject to error, because some get tested later or earlier. There are backlogs, so if you are making projections based on data that is incomplete or erroneous, you are going to come out with erroneous projections,” ayon sa resolusyon.

“Even the Department of Health (DOH) and a member of the government’s Technical Advisory Group on COVID-19 has advised the group to “apply circumspection in making pandemic-related statements, in order to minimize public panic,” banggit pa sa resolusyon.

Bukod sa pagiging alarmist umano ng grupo ay nais ding kalkalin ang koneksyon ng nasabing grupo sa University of the Philippines (UP) dahil ang OCTA ay hindi kasama sa organizational structure ng nasabing unibersidad at wala rin umanong tanggapan ang mga ito alinman sa UP campuses sa buong bansa base sa isang panayam diumano kay UP-Diliman Associate Professor Peter Cayton.

Lalong duda ang mga mambabatas sa nasabing grupo dahil base umano sa website ng mga ito, sila ay isang “polling, research and consultation firm” na nagbibigay ng data analysis upang tulungan ang kanilang mga kliyente sa gobyerno at pribadong sektor kasama na ang Non-Government Organization (NGO) community. (BERNARD TAGUINOD)

179

Related posts

Leave a Comment