OFW SA KUWAIT HUMIHINGI NG TULONG SA EMBAHADA

DUMULOG sa AKOOFW ang kapamilya ng isa sa ating kabayani na nasa bansang Kuwait upang humingi ng tulong para makauwi sa Pilipinas.

Si Mary Jane Gomez ay nakarating sa Kuwait noong May 8, 2007 sa pamamagitan ng SAM Seven Manpower Services.

Ayon sa sumbong na ipinarating ni Mary Jane, tatlong buwan na siyang hindi binabayaran ng kanyang sahod ng kanyang amo kung kaya hindi man lang niya mapadalhan ng pera ang kanyang pamilya.

Bukod sa problema sa suporta sa kanyang pamilya ay isa rin sa nagpapabigat ng kanyang kalooban ay wala na rin siyang pambayad sa inuupahan niyang tirahan kung kaya labis na siyang nag-aalala na siya ay papaalisin na ng kanyang kasera at malamang na wala na siyang matu­tulugan.

Sumbong din ni Mary Jane, wala na rin siyang pambili ng kanyang pang-araw-araw na pagkain kaya sobrang pagtitiis ng gutom ang kanyang dinaranas. Ayon pa nga kay Mary Jane, “Imbes na ako ang magpadala sa pamilya ko sa Pilipinas, sila na ang nagpapadala sa akin dito sa abroad para makakain lang”.

Ang problema ni Mary Jane ay magmula nang siya ay mawalan ng trabaho ng dahil sa pandemya at katunayan ay wala na rin siyang mapasukang trabaho dahil ang kanyang qualification ay para sa mga restaurant lamang na lubhang naapektuhan dulot ng pandemya.

Maraming beses na rin siyang nag-apply sa iba’t ibang kumpanya ngunit ang lahat ng kanyang pagsisikap ay nawalan ng kabuluhan dahil maraming kumpanya ang nagsara.

Dahil sa kanyang ­pinagdaraanan at paghihirap sa bansang Kuwait kung kaya siya ay nakiki­usap na matulungan na lamang siyang makauwi sa Pilipinas upang maka­sama ang kanyang pamilya.

Ang pakiusap na ito ni Mary Jane ay akin agad na ipinarating sa ating OWWA Overseas Operations Director Connie Marquez at gayundin sa ating masipag na welfare Officer na si Genevieve “Jingle” Aguilar-Ardiente upang pansamantala ay matulungan si Mary Jane sa kanyang pang-araw-araw na pangangailangan lalo sa kanyang pagkain.

Gayundin ay akin ding pinakiusap na maisama na sa susunod na repatriation program ng ­ating embahada o kaya ng OWWA si Mary Jane upang kanyang makapiling na ang kanyang pamilya.

***

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa akin sa email address saksi.ngayon@gmail.com o drchieumandap@yahoo.com.

120

Related posts

Leave a Comment