2 OBRERO NAMATAY SA MALALIM NA HUKAY

BATANGAS – Patay ang dalawang trabahador na lalaki matapos na ma-suffocate ang mga ito habang nasa malalim ng hukay sa Barangay Castillo sa bayan ng Padre Garcia sa lalawigang ito, noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga biktimang sina Dante Miniscula, 48-anyos, at Jayson Lustares, 32, kapwa taga Talipan, Pagbilao, Quezon.

Batay sa report ng Padre Garcia Police, nangyari ang insidente habang ang dalawang biktima ay nasa 10 hanggang 15 metrong lalim ng lupa na kanilang hinuhukay sa isang bakanteng lote sa gilid sa Padre Garcia- San Antonio Quezon Road.

Ayon sa namamahala sa construction, paglalagyan ng tangke ng gasolina ang hukay na may luwang na dalawang dipa.

Bandang 1:15 ng hapon nang humingi ng tulong ang isa sa mga biktima na nahihirapan na umanong huminga dahil sa kakulangan ng oxygen sa malalim na hukay.

Agad itong sinaklolohan ng kasama at bumaba rin sa hukay ngunit kapwa sila hindi nakaahon.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga imbestigador ang insidente dahil hindi umano akma ang hukay para sa tangke ng gasolina dahil sa makipot ito ngunit sobra ang lalim na siyang ipinagtataka ng mga awtoridad. (NILOU DEL CARMEN)

221

Related posts

Leave a Comment