10 MIYEMBRO NG DAWLAH ISLAMIYA-MAUTE GROUP, PATAY SA ENGKWENTRO

PATAY ang sampung miyembro ng Dawlah Islamiya-Maute Group, kabilang ang isang senior leader, sa engkwentro sa Lanao del Sur nitong Biyernes ng umaga.

Isinagawa ang intelligence-driven operation sa pangunguna ng 103rd Infantry Brigade ng Philippine Army, katuwang ang CIDG, RSO, at mga awtoridad ng BARMM.

Ayon sa ulat, sangkot umano ang nasabing senior leader sa serye ng karahasan sa rehiyon, kabilang ang ambush sa Munai, Lanao del Norte noong Enero 23, 2026 kung saan apat na sundalo ang nasawi at isa pa ang nasugatan.

Wala namang naiulat na nasawi sa panig ng pamahalaan.

Narekober sa lugar ng engkwentro ang ilang baril, isang explosive device, at mga improvised explosive components.

Isang sanggol din ang nasagip ng mga tropa at agad na nabigyan ng medikal na atensyon.

Ayon kay 103rd Infantry Brigade Commander BGen. Billy Dela Rosa, malaking dagok ito sa natitirang puwersa ng Maute Group at patunay sa mahigpit na koordinasyon ng militar, pulisya, at intelligence units.

(TOTO NABAJA)

71

Related posts

Leave a Comment