BALITANG NBA Ni VT ROMANO
NAGPARAMDAM ang Chicago Bulls nang kahandaan sa season matapos maipanalo ang apat na preseason games.
Isinara ng Bulls ang preseason schedules nito, Sabado sa pamamagitan ng 118-105 win kontra Memphis Grizzlies.
Itinuring ni head coach Billy Donovan ang final game bilang totoong laro, kung saan apat sa limang starters ay sumalang ng mahigit 30 minuto.
Umiskor si Zach LaVine ng 31 points, may six rebounds at six assists mula sa 9-of-18 shooting. Nag-ambag si Nikola Vucevic ng 23 points at eight rebounds.
Kung magpapatuloy ang performance ng Bulls sa regular season, lilikha sila ng ingay sa Eastern Conference.
Nakatakdang simulan ng Bulls ang regular season sa Huwebes (Manila time) kontra Detroit Pistons.
Samantala, kabaligtaran naman ng Bulls ang nangyari sa Los Angeles Lakers, nang walang naipanalong preseason game sa anim nitong laro.
Katunayan, ang Lakers ang may pinakamasagwang record na average 15 points per game sa anim nitong nilaro.
Sa Miyerkoles (Manila time), bubuksan ng Lakers ang regular season kontra Golden State Warriors.
