Hirit ni Defensor YEAR-END BONUS SA QC GOV’T EMPLOYEES

HINIMOK ni Anakalusugan Party-list Representative at mayoralty candidate Mike Defensor ang Quezon City government na bigyan ng year-end incentives ang lahat ng mga empleyado ng lungsod.

“This would be an additional financial assistance to city personnel, who, like most of our people, have been suffering from economic hardship caused by the COVID-19 pandemic,” ayon sa mambabatas.

Ayon sa mambabatas, may sapat na pondo ang City government para sa insentibong ito na katumbas aniya ng isang buwan nilang suweldo, regular man o casual o job order employees.

Base aniya sa report mismo ng city government ng Quezon City, nakakolekta ito ng P22 billion na local taxes noong 2020 at inaasahan na mas malaki ang nakolekta ngayong taon.

Bukod dito, bilyong-bilyon umano ang Internal Revenue Allotment (IRA) ng QC government mula sa share ng lungsod sa national taxes.

“Clearly, the city can afford the extra one-month salary, in addition to other incentives and compensation city employees are entitled to under the law,” ayon pa sa mambabatas.

Sinabi ng mambabatas na utang ng city government sa kanilang mga empleyado ang kanilang financial stability at maging sa mga residente na nagbabayad ng buwis kaya nararapat lamang na ibalik ito sa mga tao.

“It’s high time the city shows its appreciation to its workforce through an additional one-month salary grant,” ayon pa sa mambabatas. Bukod umano ang insentibong ito sa bonus na ibibigay sa mga empleyado tuwing Pasko.

Una nang ipinanawagan ng running mate ni Defensor na si Quezon City Councilor Winnies Castelo ang insentibong ito na sinuportahan ng mambabatas upang mabawasan ang financial problem ng mga empleyado ng lungsod na naaapektuhan din ng pandemya sa COVID-19.

Ang Defensor-Castelo Malayang Quezon City Team ay mayroong P17-M economic recovery package na kanilang ipatutupad kapag sila ang nanalo sa darating na eleksyon para tulungan ang mahihirap at mga negosyante sa lungsod bukod sa pagbibigay ng 5% discount sa buwis ng lahat ng mga negosyo. (BERNARD TAGUINOD)

499

Related posts

Leave a Comment