6 HULI SA P.2-M SHABU SA QC

INANUNSYO ni Quezon City Police District Director P/BGen. Antonio C. Yarra ang pagkakaaresto sa anim na drug suspects na nakumpiskahan ng P238,000 halaga ng shabu sa magkahiwalay na drug buy-bust operations sa Quezon City noong Martes ng gabi.

Kinilala ni P/Lt. Col. Joewie Lucas, station commander ng PS-5, ang mga suspek na sina Princess Merdica Ayunandato, 23; Reymond Fidel, 31, at Reynaldo Vildosola, 45-anyos.

Ang mga suspek ay naaresto dakong alas-6:45 gabi noong Oktubre 26, 2021 sa Winston St., Brgy. Greater Fairview, Quezon City matapos na iulat ng confidential informant sa PS-5 ang umano’y illegal drug peddling activities ni Ayunandato.

Nakumpiska sa mga suspek ang 20 gramo ng umano’y shabu na P136,000 ang halaga, isang cellular phone, violet Yamaha Mio I 125 motorcycle, at ang buy-bust money.

Isa pang operasyon ang isinagawa na nagresulta sa pagkakadakip sa tatlong suspek na kinilala ni P/Lt. Col. Jeffrey Bilaro, commander ng PS-14, na sina Evander Brazil, 24; Romeo Cruz, 48, at Alberto De Jesus, 24-anyos.

Ang mga ito ay naaresto dakong alas-10:40 ng gabi noong Oktubre 26, 2021 sa Forestry St., Brgy. Culiat, Quezon City at nakumpiskahan ng 15 gramo ng shabu na P102,000 ang halaga at ang buy-bust money.

Ang mga suspek ay kinasuhan sa paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JOEL O. AMONGO)

203

Related posts

Leave a Comment