2 DRUG DEALER NAHULOG SA BITAG NG PNP-PRO5

NAHULOG sa bitag ng PNP Bicol ang dalawang tulak umano ng ilegal na droga sa isinagawang anti-illegal drug operations noong Martes ng madaling araw sa Greenfield St., Zone 5B, Brgy. Peñafrancia, Naga City.

Nakumpiska sa mga sa suspek ang tinatayang 250 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P1,700,000 ang halaga.

Ayon sa ulat na natanggap ni PNP-PRO5 Regional Director, P/Brig. General Jonnel C. Estomo, kinilala ang mga suspek na sina Jonathan Fabi y Almonte, 32, walang asawa, tricycle driver, at residente ng Capilihan, Calauag, Naga City, at Herbert Endaya y Esguerra, 32, walang asawa at residente ng Greenfield St., Zone 5B, Brgy. Peñafrancia, Naga City.

Ayon kay P/Major Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol PNP, ang dalawang suspek ay kapwa nasa talaan ng Database on Illegal Drugs ng nasabing siyudad.

Batay sa ipinaabot na ulat ng Naga City Police Office, matagumpay na

nakabili ang poseur buyer ng PNP ng dalawang pakete ng selyadong

pakete ng shabu mula sa mga suspek kapalit ang P150,000.

Bukod dito, nakuha rin sa mga suspek ang 200 gramo ng hinihinalang shabu na P1,360,000 ang street value.

Ang mga suspek ay nasa kustodiya na ng Police Station 3, Naga City Police Office para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. Ang mga nahuling suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act.

Samantala, binigyan ng pagkilala ni PBGen. Estomo ang mga nanguna sa operasyon na binubuo ng City Drug Enforcement Unit (CDEU), Police Station 3, Station Drug Enforcement Unit (SDEU), City Mobile Force Company Intel, at 501st Regional Mobile Force Battalion 5 katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ROV. (JESSE KABEL)

209

Related posts

Leave a Comment