7 BAYAN SA LAGUNA, ZERO COVID NA

LAGUNA – Umabot na sa pitong bayan ang idineklarang COVID-free sa lalawigan, ayon sa Laguna Provincial Health Office.

Wala nang naitalang aktibong kaso o ‘zero’ na sa COVID-19 ang mga bayan ng Alaminos, Majayjay, Lumban, Pangil, Lusiana, Rizal, at Famy.

Sa ibang bayan naman ay patuloy na ring bumababa ang mga tinatamaan ng sakit.

Sa pinakahuling bulletin na inilabas noong Nobyembre 22 ng hapon, 282 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 habang 96,449 ang mga gumaling at 3,115 ang mga namatay. (CYRILL QUILO)

250

Related posts

Leave a Comment