DU30 ‘DI SASAWSAW SA GIRIAN NG LEHISLATURA

WALANG planong makisawsaw si Pangulong Rodrigo Duterte sa gusot sa pagitan ng mga mambabatas.

Ang giriiang ito ang dahilan kung bakit hindi pa rin naisusumite sa tanggapan ng Office of the President ang panukalang 2019 Pambansang Budget.

Sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo na hindi kailanman nanghimasok ang ehekutibo kung may mga pagkakaiba man sa opinyon ng mga kongresista bagkus kailangan anya itong maplantsa nang sila sila ang nag uusap.

Ayon kay Panelo, hindi ugali ng Pangulo ang makisawsaw sa trabaho ng Lehistratura.

Kamakailan ay sinabi ni Outgoing DBM Secrrtary Benjamin Diokno ns target mapirmahan ni Duterte ang 2019 national budget na P3.776 trilion sa kalagitnaan nitong Marso.

Dito nakasalalay ang pagpapatupad ng mga proyektong infrastructure ng gobyeno sa ilalim ng Build Build Build program at ang dagdag na sweldo sa lahat ng kawani  ng pamahalaan sa ilalim ng muling bagsak ng salary standardization Law.

140

Related posts

Leave a Comment