BILANG NG MGA PINOY NA NAGSABING MAHIRAP SILA, BUMABA

WELCOME sa Malakanyang ang resulta ng pinakabagong Social Weather Stations (SWS) survey na nagpapakita ng pagbaba ng pamilyang Pilipino na kinokonsidera ang kanilang sarili bilang mahirap.

Ayon sa September 2021 SWS survey, 45% (11.4 milyon) ng pamilyang Pilipino ang kinokonsidera ang kanilang sarili bilang mahirap, “3% na puntos na mas mababa noong Hunyo 2021.

“The increasing vaccination rates and the declining COVID-19 infections “put us in a position to safely expand economic activities that will positively impact employment and reduce poverty,” ayon kay acting Presidential spokesperson and Cabinet Secretary Karlo Nograles sa isang kalatas.

Tinukoy ang economic team ng administrasyon, sinabi ni Nograles na ang pagbaba ng Kalakhang Maynila, sentro ng kalakal at negosyo sa bansa, sa mas “relaxed” na Alert Level 2 quarantine classification, na may safety at health protocols, ay magpapalakas sa ekonomiya ng P3.6-B at hanapbuhay ng 16,000 kada linggo.

“We thank those in government, the private sector, and our people for doing their part to revitalize our economy so that we can resume the positive strides we were making in reducing poverty prior to the pandemic,” ayon kay Nograles. (CHRISTIAN DALE)

151

Related posts

Leave a Comment