LAKERS DUROG SA BULLS

BALITANG NBA Ni VT ROMANO

AKARAAN ang dalawang linggong  pagliban sanhi ng NBA’s health and safety protocols, nagbalik si DeMar DeRozan, umiskor ng 38 puntos at inakay ang Chicago Bulls sa 115-110 win kontra bisitang Los Angeles Lakers, Linggo ng gabi (Lunes sa Manila) sa Illinois.

Nagsumite si Nikola Vucevic ng 19 points at 13 rebounds at si Lonzo Ball ay may 19 points sa pagputol ng Bulls sa two-game losing streak. Ito ang unang laro ng Chicago sapol noong ­Disyembre 11 nang ma-postpone ang dalawa nitong games.

Nagtala si LeBron James ng 31 points, nagdagdag si Carmelo Anthony ng 21 at 20 mula kay Russell Westbrook sa ikalawang sunod na talo ng Los Angeles.

Mula sa 110-109 deficit sa final minute, humirit si DeRozan ng 18-footer para sa 111-110 lead, 52 segundo na lang ang nalalabi.

Magkasunod na nagmintis ang Lakers at si DeRozan, at na-foul sa huling 15.6 seconds matapos maagaw ni Ball ang offensive rebound. Naisalaksak ni DeRozan ang dalawang free throws, 113-110 lead.

Bago ang na-postpone na da­lawang laro noong nakaraang linggo sanhi ng COVID-19 outbreak, ang Bulls ay may 10 ­players sa health and safety protocols. Bumaba na sa apat ang nasabing bilang, kasama si All-Star Zach LaVine.

Bagama’t wala pang napo­postpone na laro ang Lakers, anim sa manlalaro nito Kent Bazemore, Avery Bradley, Talen Horton-Tucker, Dwight Howard, Malik Monk at Austin Reaves at maging si coach Frank Vogel – ay pawang napasama sa health and safety protocols, kaya si assistant David Fizdale ang umupong bench tactician laban sa Bulls.

Unang laro ito ng Los Angeles na wala si forward Anthony Davis bunga ng left knee sprain, na natamo noong Biyernes, at inaasahang hindi makalalaro ng apat na linggo.

Abante ang Chicago sa halos kabuuan ng first half na umabot sa 10 points, bago isinara ang halftime sa 61-59 lead.

Naagaw ng Lakers ang 65-64 lead mula sa floater ni Isaiah Thomas.

Nagpalitan ng baskets at leads ang dalawang teams sa kabuuan ng third hanggang fourth quarter.

Ihohost ng Lakers ang Phoenix Suns sa Martes, habang haharapin ng Bulls ang Houston Rockets sa Lunes.

91

Related posts

Leave a Comment