PINOY, KANO TOP ARRIVALS NGAYONG HOLIDAY SEASON

MGA Pilipino ang nanguna at pumangalawa lamang ang mga Amerikano sa pinakamaraming dumating sa bansa ngayong Disyembre 2021.

Ayon sa data ng Bureau of Immigration (BI), umabot sa 141,216 Filipinos ang dumating sa holiday season, marami sa kanila ay pawang overseas Filipino workers (OFWs).

Sinundan naman ito ng Americans sa bilang na 12,455 arrivals, Canadians, 2,805, at Japanese, 1,645.

Ibinahagi pa ni BI Commissioner Jaime Morente, ang karamihan sa mga dumating ay balikbayans na papunta sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas para ipagdiwang ang Christmas at New Year.

“This is expected since many of our kababayans who are now living abroad wish to spend the holidays here with their families,” ani Morente.

Samantala, ibinahagi rin ni BI Port Operations Division chief, Atty. Carlos Capulong na ang arrivals noong Disyembre 24 at 25 ngayong taon ay naging doble kung ikukumpara noong nakaraang taon.

“Last year, there were only 5,478 arrivals for the two days, while this year, it increased 100% to 11,074 for the Christmas eve and Christmas day,” ayon kay Capulong. “While the numbers are still relatively low, we are confident that this increase will continue until next year, given the government’s aggressive vaccination campaign,” dagdag pa niya.

Kasabay nito, nagpasalamat si Capulong sa immigration officers na nag-duty sa panahon ng Christmas.

“Our officers sacrifice their time with their families to render their duty and provide service for incoming and outgoing passengers,” ayon sa opisyal.

Idinagdag pa niya na ipinagbawal sa frontliners na magbakasyon sa peak season. (JOEL O. AMONGO)

442

Related posts

Leave a Comment