NANGUNA sina Golden State Warriors guard Stephen Curry at Brooklyn Nets forward Kevin Durant sa unang resulta ng fan voting para sa NBA All-Star Game, ayon sa pahayag ng liga Huwebes ng gabi (Biyernes sa Manila).
Nitong nakaraang buwan lang, sinira ni two-time league Most Valuable Player at 3-time champion Curry ang NBA career record for 3-point baskets sa itinalang 2,974th, na malaking paktor sa
pangunguna niya sa Western Conference guards na may 2,584,623 votes.
Habang ang 2014 MVP, two-time champion at current NBA scoring leader na si Durant ang nanguna sa Eastern Conference front court sa 2,360,435 votes.
Ang 71st NBA All-Star Game ay gaganapin sa Pebrero 20 sa Cleveland, kung saan ang basehan para sa All-Star starters ay 50% mula sa fans at 25% mula sa players at media panel.
Ang team captains, na mangunguna sa conference voting, ang pipili ng rosters mula sa mga available players sa east man o sa west conference.
Si Los Angeles Lakers star LeBron James, 4-time MVP at four-time league champion, ang nanguna sa Western Conference front court sa 2,018,725 votes. Sa Eastern Conference backout naman si Chicago’s DeMar DeRozan, 1,487,598 votes.
Nasa likuran ni DeRozan si Brooklyn Nets James Harden (892,065 votes) at nakadikit sa ikatlong puwesto si Trae Young ng Atlanta Hawks, 862,878 votes.
Nakabuntot naman kay Curry sa West backcourt si Slovenia’s Luka Doncic ng Dallas Mavericks, 787,690 votes at Ja Morant ng Memphis, 669,033.
Sa botohan para sa pool ng NBA All-Star Game starting spots, sinusundan si Durant ni Greek freak Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks, third sa overall voting (2,145,835).
Nasa pangatlo naman si Joel Embiid ng Philadelphia 76ers sa final starting spot sa East forward sa 1,236,060 votes, nasa malayong fourth si Jayson Tatum ng Boston na may 643,970 votes.
Sa West front court positions, nasa likod ni James si Denver’s Nikola Jokic ng Serbia (1,649,809) at Paul George ng Los Angeles Clippers (1,072,591), Andrew Wiggins ng Golden State Warriors (933,355) at Draymond Green (691,423).
KNICKS LUSOT
SA CELTICS
ITINAKAS ni RJ Barrett ang Knicks, 108-105, mula sa kanyang buzzer-beating 3-pointer kontra Boston Celtics sa New York, Huwebes ng gabi (Biyernes sa Manila).
Umiskor si Evan Fournier ng career-high 41 points, nagdagdag si Julius Randle ng 22 points, may 16 puntos si Immanuel Quickley at 13 kay Barrett.
Nagtala naman si Jayson Tatum ng 36 points para sa Boston. Habang nagdagdag si Dennic Schroder ng 20 points at 16 mula kay Jaylen Brown.
Muling maghaharap ang dalawang koponan para tapusin ang home-and-home sa Sabado sa Boston.
Sa iba pang mga laro: Bumalik ang shooting ni Brandon Ingram nang umiskor ng 32 points para putulin ng New Orleans Pelican ang three-game skid sa pamamagitan ng 101-96 win kontra depleted Golden State Warriors.
Hindi nakalaro si Warriors’ leading scorer Stephen Curry sanhi ng pananakit ng left quad kasunod ng pagkatalo sa Dallas nang sinundang gabi. Wala rin si veteran leader at leading rebounder Draymond Green (sore hip).
May 21 points si Andrew Wiggins para sa cold-shooting Warriors, nag-ambag si Jonathan Kuminga ng 13 at 12 points naman mula kay Damion Lee.
Magaang na tinalo naman ng Memphis Grizzlies ang lowly Detroit Pistons, 118-88, sa pangunguna ni Ja Morant, may 22 points, nine rebounds at six assists.
Tumulong sa ikapitong sunod na panalo ng Memphis sina Dillon Brooks (18 points), Tyus Jones (14) at rookie Ziaire Williams (14 points).
Habang sa panig ng Pistons, may 14 points si Saben Lee, Hamidou Diallo at rookie Cade Cunningham, tig-12 at 10 buhat kay Trey Lyles.
1039