NCR POSITIVITY RATE UMAKYAT NA SA 50%

PUMALO na sa 50% ang bilis ng hawahan sa COVID-19 sa National Capital Region.

Nangangamba si OCTA Research Fellow Guido David na posibleng tumaas pa ito sa mga susunod na araw.

Ang positivity rate ay ang porsyento ng bilang ng mga tao na nagpopositibo sa COVID-19 tests. Ang 50% na positivity rate ay nangangahulugan na sa dalawang tests na isasagawa ay isa ang magpopositibo.

Nitong Sabado, nakapagtala na ng 43.7% na positivity rate sa 77,004 indibidwal na isinalang sa tests. Nahigitan na nito ang 21% positivity rate na siyang pinakamataas noong Abril 2021 na kasagsagan ng surge.

Napakalayo na rin nito sa 5% benchmark na itinakda ng World Health Organization (WHO) para sa mga “opening economies”.

Ang NCR din ang may pinakamaraming kaso nitong Sabado na naitala sa 16,233 habang tumataas na rin ang mga kaso sa Calabarzon at Central Luzon.  (RENE CRISOSTOMO)

480

Related posts

Leave a Comment