GOBYERNO HANDA SA NCR ALERT LEVEL 4

HANDA ang pamahalaan sakali’t isailalim sa Alert Level 4 ang Kalakhang Maynila dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ito ang naging tugon ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles nang tanungin kung kaya at handa ang gobyerno sakali’t ilagay sa Alert Level 4 protocol ang Kalakhang Maynila, itinuturing na epicenter ng COVID-19 pandemic.

Nakapagtala ang Metro Manila ng 100,087 bagong COVID-19 cases sa nakalipas na dalawang linggo base sa data mula sa Department of Health.

“Yes, we can afford it. We’ve been preparing our hospitals. Which is why there’s a call to increase their capacities and of our TTMFs (Temporary Treatment and Monitoring Facilities),” ayon kay Nograles.

“We’re doing real-time updates on our health workers [and their] augmentation,” dagdag na pahayag nito.

Nauna rito, sinabi ni Nograles na wala pang pangangailangan para isailalim ang Metro Manila sa Alert Level 4 mula sa Alert Level 3 dahil ang healthcare utilization sa rehiyon ay hindi pa umaabot sa moderate risk level na 71%.

Nananatili aniya ang ganitong posisyon ng pamahalaan kahit pa nakapagtala ang bansa ng 33,169 bagong COVID-19 cases noong Enero 10, pinakamataas na bilang simula ng pandemya na nagsimula noong Marso 2020.

“We still haven’t reached the threshold,” dagdag na pahayag ni Nograles. (CHRISTIAN DALE)

201

Related posts

Leave a Comment