‘PENSION NG 4PS IDAAN NA SA LAHAT NG BANKO, PADALA CENTERS’

4PS12

(NI BERNARD TAGUINOD)

DAHIL hindi lahat ng mga lugar sa bansa ay mayroong branch ng Land Bank of the Philippines (LDP), nais ng isang mambabatas na idaan na sa mga commercial banks o kaya mga pawnwhop ang buwanan ng mga beneficiaries ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Ayon sa chair ng House committee on bank and financial intermediaries Leyte Rep. Henry Ong, nakatira sa mga mahihirap na lugar sa bansa ang mga beneficiaries ng 4Ps kung saan walang branch ang Landbank.

“Many parts of the country, including the towns in the 2nd district of Leyte, remain unbanked or have little or no access to the formal financial system. The financial inclusion modes are the solution,” ani Ong.

Dahil dito, bumibiyahe pa ng malayo at gumagastos ng malaki sa pasahe ang mg 4Ps beneficiaries para lang makuha ang kanilang buwanang tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Upang tuluyang matulungan umano ang mga ito, nais ni Ong na huwag lang sa Landbank idaan ang benepisyo ng mga 4Ps benefiacies kundi sa mga pawnshops, commercial banks at iba pang financial institutions.

“Tulad na lamang dito sa Leyte second district, sana bawat bayan, may bangko or pawnshop, bukod pa sa Landbank branch, kung saan maaaring ma-withdraw ng beneficiaries ang ayuda ng pamahalaan para sa kanila,” ani Ong.

Maliban sa 4Ps, nais din ng mambabatas na hindi lamang sa Landbank idaan ang mga benepisyo ng mga tao sa Philhealth, Government Service Insurance System (GSIS); Social Security System (SSS), Pag-IBIG, Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) at iba pa.

“If set-up and operation of the lite branches and ATMs are too expensive, the government banks and agencies should link-up with the pawnshops and private banks that are already into micro savings, microfinance, and microinsurance,” dagdag pa ng kongresista.

 

 

189

Related posts

Leave a Comment