KENDI CON CANNABIS NASABAT NG BOC

boc

NASABAT ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) ang “gummy candies” na may halo umanong “cannabis” o marijuana, sa PHLPost Central Mail Exchange Center sa Pasay City noong Lunes.

Isang nagpakilalang si Elvira Vicente ang umano’y nagtangkang i-claim ang nasabing package mula sa Central Mail Exchange Center.

Nagpakita pa ito ng “authorization letter” ng isang Vincent Castillo na siyang nakasulat na consignee.

Base sa ulat, nanggaling ang pakete sa Canada na idineklarang “personal gifts and clothing”.

Nang isailalim sa “physical examination” ay natuklasan na naglalaman ito ng 20 pouches ng cannabis infused gummy candies at 49 cartridges ng THC vape na ipinagbabawal din. Inihalo ito sa mga tsokolate, cosmetics at mga damit.

Sa pagtataya ng BOC, ang nasabat na kontrabando ay nagkakahalaga  ng P85,299.12.

“Initial field test conducted by the Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF NAIA) showed that the gummies and the vape cartridges contain cannabinoid, a chemical compound found in cannabis or also known as marijuana,” ayon sa BOC.

Ipinadala na ang nasamsam na kontrabando sa Philippine Drug Enforcement Agency chemical laboratory para isailalim sa kaukulang pagsusuri.

Ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang cannabis, at THC (tetrahydrocannabinol)” na klasipikadong “dangerous drugs”. (RENE CRISOSTOMO)

126

Related posts

Leave a Comment