Nangako si dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na aalisin niya ang amilyar at ibabalik ang lupa sa tao kung manalo man siya sa pwesto sa Senado sa eleskyon ngayong Mayo 2022.
Sinabi ni Greco Belgica na ang amilyar ay dagdag pasanin lang sa taumbayan.
Ibinigahi rin ni Belgica na hindi na dapat binabayaran ng mga tao ang amilyar dahil ang natural na may-ari ng lupa at hindi ang gobyerno.
“Ang lupa ay binigay ng Diyos sa tao, hindi sa gobyerno. Pero bakit pati lupa na binili mo na, babayaran mo pa ang amilyar sa gobyerno taon-taon? ‘Pag hindi mo binayaran, kukunin sa iyo at ibebenta sa iba, Mali ‘yan kaya ipapaalis ko po ang amilyar sa lupa,” aniya
“Hindi po natin dapat hayaan na patuloy pang bayaran ang isang bagay na nabili na natin o ng magulang natin. At lalong hindi nila dapat kunin ito kung hindi mabayaran. Paano naging kanila ang lupa ay wala pang gobyerno, may lupa na?” dagdag nito.
Sinabi pa ang dating PACC chief na marami sa mga tuntunin at batas ng gobyerno ay kailangang suriin ulit para mabawasan ang mga pasanin na ipinapataw sa taumabayan. Ayon pa kay Belgica, red tape ang isa sa mga pangunahing sanhi ng korapsyon.
“Marami pong batas ang hindi na po maganda at sumasakal sa kalayaan ng tao upang umasenso. Maraming batas ang kailangan balikan at tanggalin kung kinakailangan,” aniya.
“Di po kailangang dagdagan paminsan, bawasan para maging malaya ang kalakalan at hindi hawak sa leeg ng mga politiko ang taumbayan,” dagdag niya.
Bukod sa pag-alis ng amilyar, isinusulong din ni Belgica ang mas malakas na laban kontra korapsyon, mga reporma sa buwis, mas maraming mga oportunidad sa edukasyon at trabaho para sa mga Pilipino, buwanang ayuda para sa mga pamilya, at mas pinagandang sector ng kalusugan.
