Tuloy labanan ng RSA at MVP groups sa PBA

SIMULA na ang quarterfinal round ng 2022 PBA Governors’ Cup matapos makumpleto ng Phoenix Super LPG ang walong koponang maglalaban-laban para makuha ang kani-kanilang upuan sa susunod na round sa ika-46 season ng kauna-unahang liga propesyonal sa bansa at Asya.

Dalawang eksplosibong laro ang nakatakda bukas sa pagsisimula ng Round of 8 sa ­makasaysayang Araneta Coliseum kung saan ang magkapatid na koponang North Luzon Expressway at Talk ‘N Text ay kapwa nangangailangang magwagi ng isang beses laban sa Alaska Milk at Barangay Ginebra, ayon sa pagkakasunod, para maka-abante sa Round of 4.

Nakamit ng Road Warriors ni coach Yeng Guiao ang pangalawang puwesto sa likod ng ­nangungunang Magnolia Pambansang Manok at na-enjoy ang twice-to-beat na prebilehiyo na nakareserba sa unang apat na koponang nasa itaas ng team standing makaraan ang elimination round.

Gaya ng Hotshots na may 9-2 panalo-talong kartada sa qualifying round, ang Road Warriors ay may 8-3 rekord, nakapasok din ang Tropang Giga (7-4) sa apat na koponan na nakakuha ng bentaheng manalo lamang ng isang beses para umabante sa semifinal round.

Dalawang koponan ang nagtapos na may 7-4 panalo-talong rekord matapos ang unang round – Meralco at San Miguel Beer – subalit naungusan ng TNT at Bolts ang Beermen sa pangatlo at pang-apat na puwesto sa pamamagitan ng kanilang plus 5 at plus 1 quotient na ginamit sa pagbasag ng tie.

Bunga nito, bagsak ang Beermen sa pang-lima. Sumunod ang Barangay Ginebra at Alaska na parehong 6-5. Huling pumasok sa quarterfinals ang Phoenix Super LPG makaraan ang kanilang 101-98 panalo noong Linggo kontra NorthPort Batang Pier.

Tanong: Mayroon bang nagbago?

Sagot: Wala!!!

Mapapansing sa walong koponang pumasok sa quarterfinals, may tig-tatlo ang RSA (Ramon S. Ang) Group — Magnolia, SMB at Barangay Ginebra, at MVP (Manny V. Pangilinan) Group – NLEX, TNT at Meralco.

Obserbasyon ng maraming PBA fans, ang dalawang grupo na lamang na ito ang naglalaban-laban sa kampeonato. Dalawang team lamang ang nakapasok sa mahigpit na pagbabantay ng grupo ni RSA at MVP sa maraming taon. Ito ay ang Alaska Aces at Phoenix Fuel Masters.

Kung may kakayahan man ang isa sa dalawang koponang ito na lansagin ang dominasyon ng dalawang makapagyarihang grupo na RSA at MVP, malalaman natin sa mga susunod na kabanata.

Ang masasabi lamang namin, ang Aces ni businessman-sportsman Fred Uytengsu ay may isang mahalagang misyon matapos na ipahayag ang pagbibitiw ng kumpanya bilang miyembro ng PBA.

At ito marahil ang isang malaking ­karagdaang inspirasyon at motibasyon para kay coach Jeff Cariaso at Aces na gawin ang lahat ng kanilang makakaya upang maisakatuparan ang minimithi –

HANDUGAN ANG PRANGKISA NG KAHULI-HULIHANG KORONA BILANG ISANG KOPONANG PROPESYONAL SA SPORT NA PINAKAMAMAHAL NG KANILANG MGA KABABAYAN at FANS.

175

Related posts

Leave a Comment