IBINUHOS ni Devin Booker ang 12 ng kanyang kabuuang 30 points, sa first quarter explosion tungo sa 140-111 paglampaso ng Phoenix Suns sa bisitang Los Angeles Lakers, Linggo ng gabi (Lunes sa Manila).
Nag-ambag si Deandre Ayton ng 10 points sa nasabing first-quarter na tumambak ng 26 puntos sa Lakers, para sa ikapitong talo sa huling siyam, sa kabila ng game-high 31 puntos mula kay LeBron James.
Tumapos si Ayton na may 23 points para sa Suns, nakaresbak mula sa 117-112 home loss sa kamay ng Toronto Raptors noong Biyernes.
Sa ikatlong sunod na paggapi sa Lakers ngayong season na may total 57 points mula sa 6-2 deficit, ginawa itong 16-6 ng Suns sa likod ng three-pointers ni Booker. Dinagdagan pa niya ito ng tatlong tres, ang isa’y naging four-point play makaraang ma-foul ni Stanley Johnson.
May 56.9% shooting sa field ang Suns, umabante hanggang 28 points sa second quarter at 35 sa fourth minute ng final period.
Ang 30-point game ni Booker ay ika-21 sa season. May 4-for-10 siya sa three-pointers at 10 assists sa ikaapat na double-double ngayong taon.
Habang si Ayton, 11-of-14 shots at may 16 rebounds, para naman sa kanyang 22nd double-double.
Sina Mikal Bridges (18 points), Aaron Holiday (12), Jae Crowder (11), Torrey Craig (11), at JaVale McGee (10) ay pawang may double figures para sa Phoenix, na nagtala ng largest point total sa
season. May game-high 11 assists at 9 points naman si Cameron Payne.
Sa kabilang panig, may 31 points si James, seven rebounds at six assists. Ika-28 na 30-point game niya ito sa season.
Nagsumite naman si Carmelo Anthony ng 18 points, sina Russell Westbrook at
Malik Monk ay may tig-13 at 10 mula kay Austin Reaves para sa Lakers, natalo bagama’t na-outscore ang Suns 48-36 sa three-pointers.
Sina James at Anthony ay may lima at apat sa total 16 three-pointers ng Lakers.
Samantala, naabot ni James ang 10,000th career assist sa second quarter mula sa 3-pointer ni Carmelo Anthony.
Ang 37-anyos na si James ang natatanging player sa NBA history na may 30,000 points, 10,000 rebounds at 10,000 assists.
”I get a loss of words anytime things like this happen to me,” sabi ni James. ”I automatically start thinking about my hometown of Akron and my upbringing where I come from. The dreams I had of being in this league at the highest level and to now sit alone in a statistical category in this league. I model my game after being able to score, rebound and assist. And to sit alone in a stat, I’ll say cool, but it doesn’t quite make sense to me.”
HAWKS INAKAY NI
YOUNG vs PACERS
UMISKOR si Trae Young ng 47 points at pinigilan ng host Atlanta Hawks ang rally ng Indiana Pacers tungo sa 131-128 win.
Si Young, 13-of-20 sa field, kasama ang seven 3-pointers at 14-for-14 sa free throws, kabilang ang apat sa final 28.8 seconds.
Ikalawang pagkakataon ito umiskor nang malaki si Young at pampito naman sa naitalang 40-plus points.
Pangalawang sunod na panalo rin ito ng Atlanta at naglagay sa Hawks palapit sa .500 mark. Umangat din sa 3-0 kontra Pacers ngayong season.
Lumamang ang Hawks hanggang 19, ngunit hinayaan ang 69 points sa second half at nagawang makadikit ng Indiana sa two points, nang mag-free throw si Duane Washington Jr. sa huling 1:09.
Pero, dalawang beses ibinalik ni Young ang kalamangan sa Hawks mula sa four free throws.
May huling pagkakataon ang Indiana itabla ang iskor, nang mag-free throw si Hield at sinadyang imintis ang ikalawa, pero nakuha ni Atlanta’s De’Andre Hunter ang rebound.
May anim pang players ang Atlanta na may double figures, gaya nina Hunter at Danilo Galinari, tig-15, Kevin Huerter 14, Bogdan Bogdanovic at Onyeka Okongwu 13 at Clint Capela 10.
Habang ang Indiana naman may tatlong players sa top-20 point mark, sina Buddy Hield at Tyrese Haliburton tig-25 at Washington, 22.
Ang Pacers, hindi agad nakarating sa kanilang Atlanta hotel hanggang alas-4 ng umaga, lumarong mayroon lamang walong healthy players.
Hindi hindi inalintana ng Hawks, nang tambakan, 37-28 sa first quarter, kabilang ang anim na 3-pointers, dalawa rito mula sa long-range ni Young, may 14 points sa nasabing period.
Pinalobo ng Atlanta ang lead, 77-58 sa halftime, pinakamataas na first-half points ngayong season.
NETS BINUHAT
NI KD vs KNICKS
MULA sa tablang iskor, tinampukan ni Kevin Durant ang kanyang season-high 53-point performance ng three-pointer sa huling 56.3 seconds, nang laktawan ng host Brooklyn Nets ang New York Knicks, 110-107.
Kumamada si Durant ng 19-of-37 shots at pinakamalaki niyang basket nang burahin ang 103-103 tie.
Dahil sa matinding depensa ni Goran Dragic, napuwersa si New York’s Julius Randle mag-turnover, nakitang libre si Durant mula sa left wing at inihagis ang three-pointer sa harap ni RJ Barrett.
Matapos ang timeout, nag-dunk si Randle para sa 106-105 count, 48.4 seconds at nagmintis si Durant sa three-pointer sa sumunod na posesyon. Nakuha ni Jericho Sims ang defensive rebounds, na nagbigay ng tsansa sa Knicks mabawi ang lead.
Kasunod ng timeout ng New York, naagaw ni Bruce Brown ang pasa ni Evan Fournier sa huling 9.2 seconds. Naipasok ni Durant ang dalawang free throws, 6.6 seconds na lang makaraang ma-foul ni Alex Burks.
Nagawa pa ring dumikit ng Knicks mula sa free throws ni Barrett, 108-107, 2.6 seconds na lang. Nakahirit pa si Durant ng 2 sa line, 1.8 ticks at natapos ang laro nang mabigo si Randle sa kanyang pasa kay Barrett sa pagtunog ng buzzer.
Kulang ng isang puntos si Durant para sa kanyang career-high at may nine assists. Sinira din niya ang franchise record on points hawak ni John Williamson (1978) laban sa Knicks.
Nagdagdag si Andre Drummond ng 18 points at 10 rebounds sa ikatlong sunod panalo ng Nets, may 49.4% shooting, habang nanonood si Kyrie Irving sa courtside seats. Si Brown ay nag-ambag ng 15 points.
Umiskor naman si Randle ng 26 points para sa Knicks, sa ikaanim sunod nitong talo sa Brooklyn at laglag sa 4-13 sa nakalipas 17 laro. Nag-ambag si Fournier ng 25 at 24 naman kay Barrett.
Abante ang Brooklyn sa halftime, 62-60 at kinuha ang 88-83 lead sa fourth.
Sa ibang resulta, wagi ang Los Angeles Clippers sa Detroit Pistons, 106-102; tinalo ng Philadelphia 76ers ang Orlando Magic, 116-114; nagwagi ang New Orleans Pelicans sa Houston Rockets, 130-
105; nagtala naman ang Memphis Grizzlies ng 125-118 win laban sa Oklahoma City Thunder; panalo rin ang Dallas Mavericks sa Boston Celtics, 95-92.
193
