DSWD AYUDA FORMS SA CAVITE, MAY TATAK NG POLITIKO

KINUWESTYON ng netizens kung bakit nakalagay ang pangalan ng ilang politiko sa Ayuda form ng DSWD.

Base sa mga Facebook post ng ilang residente ng mga lungsod at bayan na kabilang sa Unang Distrito ng Cavite, nagtaka sila sa mga diumano’y nakakabit na forms sa mga application para sa ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon sa mga report, sinasabi na ang mga opisyal na papeles para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng DSWD ay may tatak ng logo ng isang Party-list Group at ng ilang lokal na kumakandidato. Kasama rito ang membership form para sa Agimat Partylist, Jolo Cares, Ricafrente at isa pang form para sa ‘precint number,’ na nakadagdag pa sa pagkalito ng mga nais mabigyan ng ayuda.

Nabatid na ang AICS ng DSWD sa Cavite ay maaaring umabot sa P400 milyon, kung saan ang mga naturang forms ay magpapaabot ng P2,000 sa mga kwalipikadong residente. Dahil sa mga logo ng mga grupong nakatatak sa mga papeles, nagkaroon din ng hinala na maaaring gamitin sa darating na halalan ang kanilang aplikasyon sa DSWD.

Sa mga posts sa social media, unang napansin ang ibang forms sa bayan ng Rosario at kasunod nito ay nabunyag na may mga kumalat din sa mga bayan ng Noveleta, Kawit at Cavite City.

Marami rin sa mga komento ay ang pagmamadali ng isang bigating politiko na maipamudmod agad ang ayuda, lalo na sa mga nabanggit na lungsod at bayan sa Cavite.

421

Related posts

Leave a Comment