9 CICLs nasagip 235 ARESTADO SA P1.7-M SHABU SA CAMANAVA

UMABOT sa 235 katao ang inaresto, habang siyam na children in conflict with the law (CICL) ang sinagip sa pinaigting na kampanya ng Northern Police District laban sa ilegal na droga at kriminalidad mula Marso 21 hanggang 28.

Sa nasabing petsa ay dinakip ang 58 kataong sinasabing durugista, 98 sugarol, dalawang carnapper, 12 magnanakaw, at 42 wanted sa sari-saring kaso sa mga lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA)

Ibinalibag din sa selda ang 11 akusado ng illegal possession of firearms at iba pang pang armas, tatlo sa panggugulo; dalawa sa bigong pagpatay, isa sa child abuse, isa sa panggugulpi ng babae o bata; isa sa pananaksak, at apat sa panggagahasa.

Sa 13 operasyon kontra droga sa CAMANAVA sa loob ng nasabing linggo ay nakumpiska ang 245.69 gramo ng shabu na may presyong P1,670,692, at 19.2 gramo ng marijuana na may halagang P2,304. (ALAIN AJERO)

97

Related posts

Leave a Comment