HINILING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na bilisan ang ginagawang pag-aaral para mabawasan pa ang trapik sa National Capital Region (NCR)
Sinabi ni Pangulong Duterte kay MMDA Chairman Romando Artes na agad magsagawa ng pag-aaral at mula ruon ay marepaso na ng mga eksperto ang mga pinaplanong hakbang.
Ayon sa Chief Executive, tinutumbok niya rito ang mga competent authorities na konektado at may sapat na kaalaman para makamit ang target na mahanapan na ng solusyon ang trapik sa NCR at Greater Manila Area.
Batay sa inilatag na proposal ng MMDA kay Pangulong Duterte, nais nilang magkaruon ng Elevated Walkway para sa mga tao at bicycle lane upang mahikayat ang mga ito na maglakad o magbisikleta na lamang papunta sa trabaho at makabawas sa magdadala ng sasakyan.
“At panghuli po, ito po ‘yung aming proposal, medyo ambitious, pero dahil it will entail large expenditure on the part of government, ito po ‘yung Elevated Walkway and Bicycle Lane Project kung saan maglalagay po tayo — nagpo-propose po kami na maglagay tayo ng walkway para po sa mga tao at bicycle lane. Ito po ay para ma-encourage ang mga tao na maglakad or magbisikleta na lamang papunta sa trabaho dahil kung safe po at convenient ito pong ating walkway and bicycle lane, sa amin pong palagay makakabawas po ito sa magdadala ng sasakyan, at instead, maglalakad na lamang po at — or gagamit ng bisikleta,” paliwanag ni Artes.
Maliban pa aniya rito ang panukala na odd- even scheme. (CHRISTIAN DALE)
203