Q1 COLLECTION TARGET, MANING-MANI SA MICP

boc

SA kabila pa ng sumpunging klima ng ekonomiya, walang kahirap-hirap na nalagpasan ng Manila International Container Port (MICP) ng Bureau of Customs (BOC) ang itinakdang target collection para sa unang sangkapat (quarter) ng kasalukuyang taon.

Sa datos na inilabas ng tanggapan ng kawanihan, lumalabas na nakalikom ng tumataginting na P16.3 bilyong pondo ang MICP para sa buwan pa lang ng Marso 2022 – pinakamataas sa kasaysayan ng nasabing tanggapan ng kawanihan.

Ayon kay MICP District Collector Romeo Allan Rosales, higit pa sa buwanang target, lumabis pa sa kanilang P40.7-bilyong quarterly target ang naitala ng MICP na nakapangolekta ng
kabuuang P43.5 bilyon para sa unang tatlong buwan ng kasalukuyang taon.

Batay sa record ng kawanihan, nasungkit na rin sa unang pagkakataon sa loob ng nakalipas ng 17 taon ang pinakamataas na antas ng koleksyon sa naturang district collection office.

Sa isang pahayag, binigyang pagkilala naman ni Rosales ang mga opisyal at kawaning MICP sa sigasig, husay at ka­tapatang ipinamalas na aniya’y dahilan sa likod ng kanilang “record-breaking fete.”

Hindi rin pinalampas ng MICP chief ang pagkakataong bigyang papuri ang mga repormang ipinatupad ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa kabila pa ng walang patumanggang pambabatikos sa nasabing opisyal.

Pagtitiyak pa niya, mas paghuhusayin pa nila ang pagtupad sa kanilang sinumpaang tungkulin kasabay ng pangakong ipagpapatuloy ang repormang sinimulan ni Guerrero.

116

Related posts

Leave a Comment