KAMARA ‘DI YUYUKO SA SENADO SA SPECIAL SESSION NG 2019 BUDGET

CONGRESS SENATE1

(NI BERNARD TAGUINOD)

GAME ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na magkaroon ng special session tulad ng plano ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III upang maayos na 2019 national budget.

Gayunpaman, huwag umasa ang mga senador na bibigay ang mga kongresista sa kanilang kagustuhan na ibalik sa lump-sum budgeting mode ang 2019 national budget dahil hindi ito mangyayari.

Ayon kay House appropriations committee chairman Rolando Andaya Jr., bukas sila sa lahat ng ideya tulad ng pagkakaroon ng special session para muling matalakay ang hindi pagkakaunawaan sa national budget.

“We welcome any effort to break the budget impasse. But the House position is clear: we will not agree to the Senate’s stand that we return to the old mode of lump-sum budgeting,” sabi ni Andaya.

Indikasyon ito na walang plano ang liderato ng Kamara na sumuko sa mga senador na huwag nang idetalye kung saan gagamitin ang mga lump-sum ng iba’t ibang departamento dahil hindi ito mangyayari.

“The House remains steadfast in its mission of itemizing all lump-sum funds in the 2019 General Appropriations Act.,” ani Andaya.

Ang Kamara, na mayroong 293 miyembro, ay mayroon umanong P79 Billion na parte sa lumpsum budget ng  iba’t ibang ahensya ng gobyerno habang ang mga senador na 24 lamang ang bilang ay umaabot umano sa P74 Billion ang parte.

Nadelay ang pag-eenroll sa national budget sa Office of the President matapos idetalye ng mga congressmen kung saan nila inilagay ang kanilang bahagi sa mga lump-sum budget.

Gayunpaman, kinukuwestiyon ito ng mga senador dahil binabago umano ng mga kongresista ang national budget na mahigpit na ipinagbabawal sa batas bagay na kinontra naman ng mga kongressita.

Dahil dito, hinahanap na ng mga lider ng Kamara sa mga senador kung saan nila inilagay ang mga pondong kanilang kinuha sa national budget tulad ng P3 Billion para sa mga scholars ng Techninal Education and Skills Development Authority (TESDA), P11 Billion na right of way funds ng Department of Public Works and Highways (DPWH), P2.5 Billion na foreign assisted funds, P2.5 Billion na Greening project ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pa.

 

 

 

220

Related posts

Leave a Comment