ALMARINEZ: ‘WAG MAGING BIKTIMA NG FAKE NEWS

PINAALALAHANAN ng isang local bet ang mga taga Laguna na huwag basta maniwala sa mga nababasa o naririnig upang hindi mabiktima ng fake news.

Ayon kay Dave Almarinez, tuloy-na-tuloy ang kanyang laban bilang kinatawan ng unang distrito sa Laguna sa kabila ng mga naglabasang animo’y black propaganda laban sa kanya.

“Wala nang makakapigil sa pagbabagong dala ng inyong lingkod. Huwag tayong maniwala sa mga isyu na walang basehan na pilit nilang pinupukol sa atin. Tuloy ang aking laban para sa bawat isang mamamayan ng San Pedro,” ani Almarinez.

Hinimok din ni Almarinez ang kanyang mga taga-suporta na ituloy lang ang positibong pangangampanya hanggang makamit ang panalo sa halalan sa darating na Mayo a-nwebe.

Ayon kay Almarinez, malawak at komprehensibo ang saklaw ng kanyang pinaglalaban para sa kapakanan ng mga manggagawa, magsasaka, kababaihan, kabataan, nakakatanda, negosyante, may kapansanan, mga single parents, at ordinaryong mamamayan.

Hinikayat niya ang mga botante na pumili ng kandidatong may kapasidad na magpatupad ng pagbabago, mag-imbita ng mas maraming mamumuhunan, at hikayatin ang pagkakaisa ng bawat sektor habang sinisimulan ng lungsod ang pagsisikap sa pagbawi pagkatapos ng pandemyang COVID-19.

“Sa panahong napakaraming mga bagay na nagbabago sa realidad at napakaraming pagsubok na ating hinaharap, nais ko pong tumulong nang taos-puso sa inyo, sa aking mga kababayan sa San Pedro,” ani Almarinez.

Naging instrumento si Almarinez sa donasyon ng 20,000 Moderna vaccine para mabilis ang pagbabakuna sa mga residente ng San Pedro. Nagbigay rin siya ng 10 dialysis machine na napapakinabangan ng libu-libong residente ng Laguna.

Aktibo rin ang mag-asawang Dave at Ara Mina sa pagbibigay tulong sa mga taga-San Pedro sa kasagsagan ng pandemya. Naipatayo rin nila ang 60 Wi-Fi zone sa iba’t ibang pampublikong lugar sa 27 na barangay ng lungsod.

Sa resulta ng iba’t ibang sarbey, nananatiling nangunguna si Almarinez sa labanan ng pagka-kongresista sa San Pedro City. Bago kumandidato sa pagka-kongresista, si Almarinez ay nagsilbing No. 1 bokal ng Laguna sa tatlong magkakasunod na termino.

122

Related posts

Leave a Comment