Kalsada sa paligid ng Batasan pinasara DEFENSOR KINASTIGO SI BELMONTE

KASTIGO-MAYOR ang patutsadang pinalipad ng isang kongresista sa katunggaling alkalde kaugnay ng pagpapasara ng mga pangunahing lansangan sa paligid ng Batasan bilang paghahanda sa nakatakdang election rally para kay reelectionist Mayor Joy Belmonte ng Quezon City.

Giit ni Anakalusugan Party-list Rep Mike Defensor na kandidato sa posisyon ng mayor ng nasabing lungsod, kalabisan ang 21-oras na pagpapatigil ng daloy ng trapiko sa isang distritong lubhang mahalaga sa pampublikong transportasyon at maging sa galaw ng komersiyo at kalakalan.

Sa abisong ipinaskil sa Quezon City Government official Facebook page, naglabas ng abiso ang lokal na pamahalaan hinggil sa pagpapasara ng mga daan sa paligid ng Batasang Pambansa mula alas-6:00 ng hapon ng Mayo 3 hanggang 11:30 ng gabi kinabukasan.

“Some sections of IBP (Interim Batasang Pambansa) Road will be temporarily closed starting from 6 p.m., May 3, 2022, up to 11:30 p.m., May 4, 2022, in preparation for a Miting de Avance on May 4, 2022.”

“That’s a total of more than 21 hours, or almost one day, the period the mayor is asking motorists and commuters to bear some inconvenience and sacrifice for their rally in District 2,” ani Defensor kasabay ng patutsada laban sa grupong kinabibilangan nina Belmonte, 2nd district Rep. Precious Hipolito-Castelo at asawa nitong si Vice Mayoralty bet Winnie Castelo na umano’y nakatakdang magsagawa ng kanilang huling hirit sa mga botante ng naturang distrito.

Kabilang sa mga inaasahang daranas ng matinding pagsisikip ng trapiko ang mga lugar sa paligid ng IBP Road, Palma Street patungo sa Filinvest 2, Pook Pag-asa at Filinvest Gate 2.

“Why does Mayor Belmonte want to make our supporters there suffer…” tanong ng kongresista.

Giit pa ni Defensor, pwede naman magsagawa ng political rally nang hindi nakakaabala sa daloy ng mga sasakyan tulad ng ginawa kamakailan ng UniTeam at Malayang Quezon City coalition na pinamumunuan ni Defensor.

Kabilang sa dumalo sa naturang pagtitipon si presidential frontrunner at dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Sen. Bato dela Rosa na tumayong kinatawan ng VP bet at Davao City Mayor Sara Duterte.

“This 21-hour road closure is just for a local campaign. That shows you the sense of entitlement of this group and their blatant disregard for public welfare.” (BERNARD TAGUINOD)

115

Related posts

Leave a Comment