5 GOLDS SA DANCESPORTS

GAYA noong 30th SEA Games sa Manila, malaki ang kontribusyon sa gold haul ng bansa ang dance­sports.

Nitong Lunes, tatlong gintong medalya ang ibinulsa nina Sean Aranar at Ana Nualla mula sa single dance-standard-­tango, all five dance-standard, at ­single dance-standard-Viennese waltz sa Long Bien Gymnasium.

Noong 2019 SEA Games ay dalawang gold naman ang kanilang inuwi.

Napasakamay nina Mark Gayon at Mary Renigen ang fourth, at kabuuang fifth gold sa dancesports, mula sa ­single dance – standard – slow foxtrot.

Silver naman sina Gayon at Renigen sa single dance-­standard-waltz, at single dance-standard-quickstep.

SEAG RECORDBINASAG
NI BAUTISTA

DOBLENG panalo ang ­nakamit ni Clinton Kingsley Bautista sa Vietnam nang angkinin ang gintong medalya at sirain ang kanyang SEA Games record sa men’s 110-meter hurdles, Lunes sa My Dinh National Stadium.

Nagsumite si Bautista ng 13.78 seconds at tinabunan ang 13.97 na inukit niya sa 2019 edition sa New Clark City Athletics Stadium.

Ito ang third gold sa ­athletics ng Pilipinas. Ang naunang dalawa ay mula kina EJ Obiena sa pole vault at William Morrison sa shot put.

NINOBLA SUMIPA
NG GOLD

NAKASIPA ng gold medal si Jocel Lyn Ortiz Ninobla para sa taekwondo nang ­magreyna sa women’s ­individual poomsae event sa Tay Ho Gymnasium sa Hanoi.

Nadepensahan ni Ninobla ang kanyang titulo mula sa 2019 SEA Games matapos umiskor ng 7.649.

Napunta ang silver kay Tran Kim Uyen Le ng host Vietnam (7.649), habang bronze kina Indonesia’s Defia Rosmaniar (7.549) at Thailand’s Ornawee Srisahakit (7.482).
Nagkasya sa silver ang Philippine men’s team nina ­Patrick King Perez, Raphael Enrico Mella at Rodolfo Reyes Jr. sa poomsae.

At silver din sa mixed freestyle poomsae sina Janna Dominique Oliva, Juvenile Faye Crisostomo, Justin Kobe Macario, Darius Venerable at Jeordan Dominguez.

AMIT, REYNA
NG 9-BALL

NAPANATILI ni Pinay ­billiards icon Rubilen Amit ang pagrereyna sa 9-Ball Pool Singles sa SEA Games nang tumbukin ang ­ika-limang golds dito.

Nilampaso ni Amit sa women’s 9-ball finals si Hui Ming Tan ng Singapore, 7-2, nitong Martes.

Ang latest gold ang fifth 9-Ball singles title ni Amit sa biennial meet simula noong 2005, 2007, 2009, at 2019 edition. (ANN ENCARNACION)

272

Related posts

Leave a Comment