(NI JESSE KABEL)
NASA mahigit 3,000 katao na ang nadakip ng Philippine National Police (PNP) sa iba’t ibang panig ng bansa mula nang magpatupad ng PNP-AFP COMELEC checkpoint kaugnay sa nakatakdang May 2019 midterm election.
Ayon kay PNP spokesperson P/Lt Col Bernard Banac, ang nasabing bilang ay naitala simula nang magpatupad ng checkpoint operations.
Nabatid na kabilang sa may 3,000 violators ang 32 kasapi mismo ng PNP.
Sa datos na hawak ng PNP, umaabot sa 350,663 checkpoint operations ang ikinasa ng PNP sa buong bansa.
Nasa 3,105 katao naman ang nadakip dahil sa paglabag sa umiiral na gun ban at kabilang dito ang 32 PNP personnel, nasa 2,924 ang sibilyan, 44 elected officials at 52 security guards.
Agad nilinaw ni Banac na tiyak na mahaharap sa kasong adminsitratibo ang mga parak na lumabag sa gun ban.
Umaabot naman sa 2,603 iba’t ibang uri ng baril at 22,930 na iba pang uri ng deadly weapons at gun replicas ang nakumpiska sa mga nakalatag na checkpoint .
216