Magbabago ng pokus pero hindi lalambot WAR ON DRUGS ITUTULOY NI PBBM

(CHRISTIAN DALE)

TULOY ang drug war campaign na sinimulan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Iyon nga lang may pagbabago sa gagawing atake ng pamahalaan sa nasabing kampanya.

Kung ang nakalipas na administrasyon ay naka-pokus sa enforcement side, sinabi ni Pangulong Marcos na ang drug abuse prevention and education at pagsasaayos sa rehabilitation centers ang pagtutuunan ng pansin ng anti-drug campaign ng kanyang administrasyon.

Matatandaang, sinabi ni Pangulong Marcos na pinayuhan siya ni Pangulong Duterte na panatilihin ang kampanya sa sarili nitong pamamaraan at i-apply ang ilang pagbabago kung kinakailangan.

“Pero huwag mong iiwanan yan (drug campaign), dahil kawawa ang kabataan natin, masisira ang buhay nila,” ayon kay Marcos kung saan kino-quote ang sinabi ni Duterte.

Bilang pagtugon sa payo ni Duterte, inaasahan na gagawa ng pagbabago ang Punong Ehekutibo sa mga prayoridad sa anti-drug campaign.

Bukas naman siya na gawing drug czar si Duterte subalit hayagan na itong tinanggihan ng huli.

Welcome naman sa international community ang pahayag na ito ni Pangulong Marcos.

“We also touched upon political affairs — the importance of a strong commitment that has been expressed by the President-elect (Marcos) to conduct the war on drugs within the framework of the law and with respect for human rights and with the focus on rehabilitation and socio-economic development,” ayon kay Swedish Ambassador to Manila Annika Thunborg.

Gayunman, nilinaw ng Pangulo na ang pagbabago sa polisiya ay hindi nangangahulugan ng paglambot ng bansa sa posisyon nito tungo sa International Criminal Court’s (ICC) bid para ilunsad ang anti-narcotics campaign ng pamahalaan.

Nauna rito, sinabi ni Pangulong Marcos na papayagan niya ang mga miyembro ng ICC na pumunta sa bansa subalit bilang mga turista at hindi bilang mga imbestigador.

Giit nito, ang bansa ay mayroon nang “functioning judiciary” at may kakayahan na magsagawa ng sariling imbestigasyon.

165

Related posts

Leave a Comment