PANELO: YANG PAPATAYIN NI DU30 KUNG…

DUTERTE-PANELO

(NI BETH JULIAN)

HINDI paliligtasin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Michael Yang sakaling totoo na sangkot ito sa ilegal na droga.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo na kilala si Duterte pagdating sa usapin ng ilegal na droga.

Ayon kay Panelo, papatayin ng Pangulo si Yang kapag napatunayang sangkot ito sa transaksyon ng illegal drugs.

Iginiit ni Panelo na simula pa man ay galit na si Duterte sa ilegal na droga kaya hindi ito makapapayag na magkaroon ito o ang Palasyo ng pakikipag-ugnayan sa mg taong sangkot sa ilegal na droga.

Kumbinsido si Panelo na kailangang mapatunayan ngayon at makapaglatag ng matibay na ebidensya ang mga awtoridad laban kay Yang dahil galing sa kanila ang akusasyon.

Kapag nangyari ito, sinabi ni Panelo na dapat lamang talaga na makasuhan si Yang.

WALANG CONFIDENTIAL REPORT

Nauna rito ay inihayag ng Malacanang na wala silang nakitang sinasabing confidential report na isinumite umano ni retired Police Sr. Supt. Eduardo Acierto, dating PDEA deputy director for administration na nag uugnay kay Yang sa operasyon ng ilegal na droga.

Ito ang inihayag ni Executive Secretary Salvador Medialdea, na nagsabing wala silang makitang report matapos isangkot si Yang sa nasabing ilegal na aktibidad.

Sinabi ni Acierto na si Yang ay isa lamang sa matataas na opisyal ng gobyerno na nagsumitihan ng nasabing intelligence reporr pero hindi umano inaksyunan.

Ayon kay Madialdea, wala silang tinanggap na report at kung mayroon man, sinabi nito na hindi niya ito nakita at ngayon ay kanyang ipinahahanap.

Napag-alaman na sinabi ni Acierto na hinaharang umano nina Duterte at dating PNP chief Director Ronald dela Rosa ang imbestigasyon sa intelligence report na nagpapakitang sangkot sa operasyon sa ilegal na droga si Yang at isa pang Chinese na si Allan Lim.

Dagdag pa ni Acierto na nagsumite siya ng intelligence report kina Medialdea, PDEA chief Aaron Aquino, Police Lt. Gen. Camilo Cascolan, PNP chief Oscar Albayalde at Senator Richard Gordon.

 

164

Related posts

Leave a Comment