OVERLOADED TRUCK, NAGDULOT NG PAGBAGSAK NG TULAY SA BAYAMBANG, PANGASINAN – RD TAN

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

NAGING kontrobersyal ang pagbagsak ng bahagi ng Carlos P. Romulo Bridge o “Wawa Bridge” sa Brgy. Wawa, Bayambang, Pangasinan noong Huwebes ng hapon, Oktubre 20, 2022.

Ngunit overloading ang nakikitang dahilan ng mga eksperto rito.

Ganyan din ang sinabi ni Regional Director Engr. Ronnel Tan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 1, sa panayam ng programang “Target On Air” ng inyong lingkod sa DZME 1530.

Noon pang 1945 pa raw pala naitayo ang tulay na tinatawag na “standard steel bridge.”

Ayon kay Tan, huling dumaan sa rehabilitasyon ang Wawa Bridge noon pang 2012.

Taon-taon naman daw ay sumasailalim ito sa assessment.

Aniya, huling nagsagawa ng special assessment dito matapos ang lindol noong Hulyo 2022.

Lumitaw pala na nasa fair condition pa ito noong panahong iyon.

Nangangahulugan na walang visible major defects at nasa maayos na kalagayan ang tulay.

Matanda na pala ang tulay na ito.

Sinasabing ang load limit na mga sasakyan na maaaring dumaan dito ay nasa 20 tonelada lamang.

Naku, batay raw pala sa inisyal na assessment ay tinatayang nasa 48 tonelada ang dumaang truck na may kargang buhangin.

Ito raw ang dahilan kaya bumigay ang parte nito.

Diyos meo, sobra-sobra pala ito sa itinakdang load limit ng tulay.

Sabi ni Tan, ikinalungkot niya na hindi nila mapigilan ang overloading sa mga kalsada dahil wala namang police power ang DPWH para makapag-isyu ng ticket at makapanghuli ng mga lumalabag dito.

Mahalaga raw na mawala ang overloading sa mga sasakyan para hindi agad masira at tumagal pa ang mga kalsada at tulay sa ating bansa.

Subok na ang galing ng mga taga-DPWH kaya dapat silang ­purihin sa mga ginagawa nila, lalo na si Engr. Tan na noon pang 1990s ­nagsimulang tumanggap ng mga parangal dahil husay at galing sa ­pagseserbisyo sa publiko.

Noong nakaraang taon, mismong ang noo’y Secretary at ngayo’y Sen. Mark Villar ang pumuri kay Tan at sa DPWH Region 1, dahil sa kanilang outstanding performance sa pagpapatupad ng iba’t ibang ­infrastructure projects sa kanilang mga nasasakupan.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

338

Related posts

Leave a Comment