PAGLOBO SA KASO NG TIGDAS: UNICEF, WHO TULOY SA PAG-AYUDA

tigdas12

Ni FRANCIS SORIANO

DAHIL sa paglobo ng kasong tigdas at pagkamatay na ng marami ay maglulunsad na ng kanilang support programs ang United Nations International Children’s Emergency Fund (Unicef) at World Health Organization (WHO) para tugunan ang nagpapatuloy na problema sa tigdas.

Sa inilabas na response plan ng Unicef  at WHO, magdaraos sila ng trainings at monitoring upang mapalawak pa ang mga lugar na mararating ng pagbabakuna at malunasan ang paglobo nito.

Bibili rin umano ng mga pasilidad para magamit ng mga estudyanteng hindi pa nabigyan ng measles vaccine, pag-recruit ng additional health workers at iba pa.

Katuwang ng Unicef at WHO  ang Department of Health (DoH), Philippines Integrated Disease Surveillance and Reporting (PIDSR) System, para sa pagpapalawig at mapalakas sa rapid diagnosis and treatment ng measles at iba pang infectious diseases.

171

Related posts

Leave a Comment