CHINA KAKAMPI, ‘ DI KALABAN — GLORIA

gma123

(NI BERNARD TAGUINOD)

NAKAKUHA ng kakampi sa katauhan ni dating pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang China sa gitna ng kasong isinampa ng mga dating opisyales ng gobyerno laban kay Chinese President Xi Jinping at pagkatakot ng mga Filipino na kamkamin ng nasabing bansa ang mga patrimonial assets kapag hindi nakabayad sa utang.

“China is a partner, not a threat,” ani Arroyo kaya sa halip aniya na matakot ay dapat pang paigtingin ng Pilipinas ang relasyon sa China na nangunguna ngayon sa mundo pagdating sa ekonomiya.

Ginawa ni Arroyo ang pahayag sa  Boao Forum for Asia (BFA) Annual Conference sa Hainan, China kung saan nagtipun-tipon ang mga lider ng gobyerno, mga negosyante at mga academe mula sa mga bansa sa Asia.

Ayon sa dating pangulo, walang basehan ang pagkatakot sa China dahil nasaksihan nito kung paano nagtagumpay ang nasabing bansa simula noong buksan nito ang kanyang ekonomiya sa mundo noong 1980’s kung saan Trade Undersecretry pa lamang siya.

“You know, when China was beginning to develop, about six years into its transformation, I was undersecretary of trade and industry, and we were looking at this economic dragon that was rising in Asia, and we were wondering when China would become a competitor in the world,” ani Arroyo.

“Little did we know that China is in a class of its own, and now, 40 years later under the presidency of Xi Jinping, it has become a partner in development.  China, for us in the developing countries, is a market, a donor and a provider of capital and technology,” pagdepensa pa nito sa China.

Marami umano ang naging pakinabang ng Pilipinas sa China dahil naging number one trading partner umano ito na naging dahilan para makapagbenta ng mga produkto ng mga Filipino sa nasabing bansa  tulad ng saging,

Malaki din umano ang naitulong ng China sa mga importanteng imprastraktura sa bansa dahil sila umano ang nagtayo ng mga tulay, mga dam para sa water system at irrigation, mga pangunahing kalsada, riles ng tren at iba pa.

 

175

Related posts

Leave a Comment