2 HVTs TIMBOG SA P306K DROGA SA SAN MATEO

RIZAL – Timbog sa 45 gramo ng umano’y shabu ang dalawang high value target individuals sa anti-drugs operation ng Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit sa bayan ng Mateo sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Ederico Edrick Zalavaria, ng Rizal Provincial Intelligence Unit (PIU), kay Rizal PNP Provincial Director P/Col. Dominic Baccay, kinilala ang mga nadakip na sina Felipe Galono y Adora alyas “Sano”, at Daria Jane Dawal y Tidoy, kapwa nasa talaan ng mga awtoridad bilang high value target individual, kapwa ng Brgy. Maly ng nabanggit na bayan.

Dakong alas-3:15 ng madaling araw nang maaresto ng PIU at PDEU sa anti-drug operation sina Galono at Dawal sa Marang Road sa nabanggit na lugar.

Nasamsam sa mga ito 11 piraso ng crystalline substance o shabu na 45 gramo at nagkakahalaga ng P306,000. Nakapiit na ang mga suspek sa detention cell ng pulisya. (ENOCK ECHAGUE)

191

Related posts

Leave a Comment