(NI MAC CABREROS)
SA kabila ng nakaambang mga balakid, manatiling maganda ang arangkada ng ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon, inihayag ng World Bank nitong Lunes.
“The country’s growth outlook remains positive,” sabi Mara K. Warwick, World Bank Country Director for Brunei, Malaysia, Philippines at Thailand.
Inilista ng World Bank nasa 6.4 porsyento ang ekonomiya ng bansa ngayong taon na mas mababa sa nauna nilang tinaya noong Enero na 6.5 porsiyento. Bunsod ito ng hindi agad naipasa ang 2020 budget ng gobyerno, ayon World Bank.
Inasahang maglalamlam sa ekonomiya ng Pilipinas ang matinding pinsalang dulot ng El Nino sa produktong agrikultura saan nasira ang mga pananim na palay, mais at gulay na abot sa bilyong piso ang halaga ng napinsala.
Nasilip din World Bank na bahagyang babawi ang taunang private consumption ngayong taon nasa 5.9 porsyento mula 5.6 porsyento sa nakalipas na taon.
Nakita rin na mananatili ang pagpasok ng remittances ng overseas Filipinos bunsod ng bagong trabahong alok sa mga Pinoy ng bansang Japan, Poland at Germany.
Nakasaad sa April Philippines Economic Update ng World Bank na kabilang sa mga peligrong haharapin ng bansa ang pag-igting ng trade tension sa pagitan ng United States at China; mahinang export at paghina ng piso sa palitan ng dolyar at mataas na interest sa utang panlabas na pantustos sa mga proyektong imprastraktura.
317