NILAMPASO ng Sixers, sa pangunguna nina Joel Embiid (36 points at 11 rebounds) at James Harden, nagtala ng ikalawang sunod na triple-double (16 points, 15 assists at 12 rebounds), ang Detroit Pistons, 147-116, sa Philadelphia.
Nagbalik si Embiid buhat sa three-game absence sanhi ng sore left foot at may bagong ayos ng buhok, ngunit pareho pa rin ang performance.
Hinahabol ni Embiid ang second straight scoring crown. Ang kanyang 33.5 average bago ang laro ay bahagya lamang ang agwat kay Dallas’ Luka Doncic (34.0).
Asam din ni Embiid malampasan si Wilt Chamberlain (33.5, 1965-66) para sa highest season-scoring average sa team history.
Dalawang araw makaraang magtala si Harden ng triple-double sa panalo ng 76ers sa Detroit din (123-111), agad umangat ang Sixers sa 24-point lead sa first half.
Sina Saddiq Bey, Jaden Ivey at Rodney McGruder ay may tig-17 points para sa Pistons, may worst record sa Eastern Conference (11-33). (VT ROMANO)
