‘Di marunong sumunod sa due process – Rep. Teves ABALOS HINDI FIT NA DILG CHIEF

(JOEL O. AMONGO)

PINASARINGAN ni Negros Oriental 3rd District Congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr. si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos dahil ipinakikita umano nitong hindi ito karapat-dapat sa kanyang tungkulin.

Kamakalawa ay pinuna ng mambabatas ang estilo ng Kalihim sa programa nito laban sa droga.

Para kay Teves ang courtesy resignation na apela ni Abalos sa mga top brass ng PNP ay isang uri ng shortcut sa paglilinis sa hanay ng pulisya.

Hindi aniya ito makatarungan sa mga opisyales na hindi sangkot sa ilegal na droga.

“Walang kalaban-laban ang mga pulis. Kapag hindi ka nag-resign, insubordination ka. Kapag nag-resign ka naman, parang may kasalanan ka na agad. If the boss is the one making an appeal to his subordinates, that is not an appeal. It is an order,” giit pa ng mambabatas.

Dahil sa shortcut style aniya ni Abalos para linisin ang hanay ng PNP ay hindi ito nararapat sa anomang posisyon sa gobyerno.

“Nangsho-shortcut ka, I don’t think anybody is fit to sit in any gov’t position if you do not follow due process,” ayon pa kay Teves na sinegundahan naman ng abogado nitong si Ferdinand Topacio.
Kahapon ay humarap sa mga mamamahayag ang mambabatas dahil naniniwala itong pinepersonal siya ni Abalos dahil sa kanyang pagpuna sa estilo ng kalihim.

Posibleng hindi aniya nagustuhan ni Abalos ang kanyang komento.

“Now, bakit ako nagpatawag ng presscon? Gusto kong malaman niyong lahat na pinepersonal na ako ni Benhur Abalos. May narinig akong mga order na nagpapa-apply ng search warrant sa bahay ko at kung wala daw makuha, lagyan. Kaya ngayon pinadagdagan ko na ang mga CCTV yung bahay para safe,” ani Teves sa press conference sa Pasig City kahapon kasama si Atty. Topacio.

“Sa totoo lang, kung gagaguhin sa search yari ka eh, lagyan ka lang ang ng granada, unbailable na,” dagdag pa ng mambabatas kaya sineseryoso nito ang natanggap na impormasyon.

“I was not born yesterday, and there are people whom I was able to help in the past who leaked me the information. That is why I am 100 percent sure of the information given to me,” dagdag pa ni Teves.

Ang ugat umano ng ina-apply na search warrant ay dahil pinaghihinalaan ang mambabatas na sangkot sa e-sabong bagay na kanyang itinanggi.

Para kay Teves, mas malaki ang posibilidad na ginagantihan siya ni Abalos dahil sa kanyang pagpuna sa short cut style nito sa proseso.

“Frustrated sila kasi ako pa rin ang pinagbibintangan nila sa e-sabong. Wala akong kinalaman sa e-sabong. Sinuyod na nila buong Region 7, walang nakita. Kaya huwag na huwag niyo gagalawin ang bahay ko dahil alam ng taumbayan na foul play ‘yan. Huwag niyo galawin mga anak ko dahil alam ng taumbayan na foul ‘yun,” banta pa ng mambabatas.

505

Related posts

Leave a Comment