Samantala hiniling ni Cong. Teves sa Kamara sa pamamagitang sulat kay Majority Leader Manuel Jose Dalipe na may petsang Marso 20, 2023 na magsasagawa siya ng privelege speech sa pamamagitan ng teleconference sa sesyon ng House of Representatives subalit hindi siya pinayagan ng pamunuan nito.
Sinabi ni Atty. Topacio sa nasabing prescon na una hindi pwede, kalaunan ay sinabi ng Kamara na pwede raw subalit muling nabago ang desisyon at hindi na naman pinayagan si Cong. Teves na mag-privelege speech.
“Bakit sa iba pinapayagan nila ang teleconference lalo na sa botohan ng mga panukalang batas na ipinapasa ng Kamara, bakit at kay Cong. Teves ay hindi nila pinayagan?,” pagtatanong pa ni Atty. Topacio.
(Joel O. Amongo)
318