PLANONG PAG-ALIS NG PROV’L BUS STATION SA EDSA HINARANG  

busterminal12

(NI BERNARD TAGUINOD)

NAKIALAM na ang Mababang Kapulungan sa plano ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na alisin ang mga provincial bus station sa kahabaan ng Edsa sa paniwalang hindi naman umano nakakasabal sa trapiko.

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, pahirap lamang umano sa mga taga- Bicol region at Northern Luzon ang plano ng MMDA na alisin sa Edsa ang mga bus stations kaya muli niya itong hinaharang.

“Provincial buses ferrying passengers and their cargos from Albay and the rest of the Bicol Region as well as those from Northern Luzon do not create the traffic mess in Metro Manila, particularly at EDSA,” ani Lagman.

Sinabi ng mambabatas na maaga o madaling-araw kung dumarating ang bus galing sa mga probinsya kaya bago pa man aniya nagsisimula ang trapik ay nasa istasyon na ang mga ito.

Kapag umaalis naman aniya ang mga provincial bus ay gabi na o tapos na ang rush hour kaya hindi makatuwiran aniya na ang mga ito ang sinisisi sa trapiko lalo na sa Edsa.

“Several years ago, I confronted and opposed the plan to drop off passengers and their goods from Albay in Muntinlupa and Alabang, and constrained them to take extra rides to their destinations in Quezon City, Pasay City and elsewhere in Metro Manila,” ani Lagman.

Gayunpaman, muli itong binuhay ng MMDA kung saan plano ng mga ito na ilipat sa Valenzuela City ang mga bus station sa kahabaan ng Edsa kaya tinututulan ito ng nasabing kongresista.

 

160

Related posts

Leave a Comment