BBM IPRISINTA SA SONA TUNAY NA ESTADO NG BANSA

HINIMOK ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na iprisinta sa kanyang ikalawang State of the Nation Address o SONA ang tunay na sitwasyon ng bansa.

Sinabi ni Pimentel na karapatan ng taumbayan na malaman ang realidad sa lagay ng Pilipinas.

Kasama sa mga isyung dapat anyang talakayin sa SONA ang mataas na cost of living sa bansa, hindi sapat na kita ng mga Pinoy, mga problema sa edukasyon, unemployment at underemployment, at ang lumolobong utang.

Binigyang-diin pa ng senador ang kahalagahan ng edukasyon bilang anya’y great equalizer kaya dapat bigyan din ng malaking alokasyon ang computer-coding sa school curriculum.

Kailangang din anyang marinig sa Pangulo ang pagtalakay sa mental health conditions o problems.

Dapat magkaroon na rin anya ng one-stop shop para sa long-term foreign investors.

Hihintayin din ng senate minority leader ang paliwanag ng Pangulo sa naging problema sa asukal at sibuyas na lumobo nang husto ang presyo gayundin ang patuloy na operasyon ng mga POGO.

Para naman kay Senador Francis ‘Chiz’ Escudero, dapat hindi lamang puro magandang balita pero haluan din ng mapait na katotohanan ang talumpati ng Pangulo.

“Ang magandang SONA hindi lang nag-uulat, pero nagmumulat, at nanggugulat din,” aniya.

Bagama’t dapat aniyang ipagmalaki ng Pangulo ang kanyang tagumpay, dapat tapusin nito ang kanyang ikalawang SONA na nananawagan sa taumbayan na magsikap para sa magandang kinabukasan.

Ipinaalala ni Escudero na ang SONA ay hindi dapat puro happy pills at sa halip ay dapat samahan ng mapait na gamot na dapat lunukin para sa solusyon sa mga problema sa bansa. (DANG SAMSON-GARCIA)

222

Related posts

Leave a Comment