SWAK ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) sa honor roll list ng SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night bilang National Sports Association of the Year.
Sa pangunguna ni Nsethy Petecio, ang Pinoy boxers ay nagpamalas ng husay sa 2019, kung saan nagwagi ang mga ito ng gold medals laban sa mga Asian rivals.
Sapat ito para igawad sa ABAP ang isa pang NSA of the Year na ipinagkakaloob ng country’s oldest media organization, na nakatakdang kilalanin ang top sports personalities at entities sa annual gala night sa March 6 sa Centennial Hall ng Manila Hotel.
Sa pagsungkit sa overall title ng 30th SEA Games, ang Team Philippines ang tinanghal na Athlete of the Year sa event na ipiprisinta ng the Philippine Sports Commission, MILO, Cignal TV, the Philippine Basketball Association, AirAsia, at Rain or Shine.
Ang 27 anyos na si Petecio ang nanguna sa matagumpay na kampanya ng ABAP, nang sumuntok ito ng gold medal sa AIBA Women’s World Boxing Championships sa Ulan, Ude, Russia matapos talunin ang hometown bet na si Liudmila Vorontsova via split decision sa kanilang featherweight division clash.
Habang si Felix Eumir Marcial naman ay nag-uwi ng silver medal sa kaparehong world tournament sa Yekaterinburg, Russia. Pangatlong Pinoy pug si Marcial na tumapos na runnerup sa nasabing world championship matapos sina light-flyweights Roel Velasco (1997) at Harry Tanamor (2007). At si former world champion Josie Gabuco naman ay gold medal winner sa ASBC (Asian Boxing Confederation) Elite Boxing Championships sa Bangkok, Thailand.
Bago ang panalo ni Petecio, si Gabuco muna ang naging AIBA world women’s champion noong 2012.
At sa nakaraang SEA Games, ibinandera ng tatlo ang PH boxing team sa paghablot sa overall title sa boxing event matapos kumulekta ng pitong ginto. (SWAK ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) sa honor roll list ng SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night bilang National Sports Association of the Year.
Sa pangunguna ni Nsethy Petecio, ang Pinoy boxers ay nagpamalas ng husay sa 2019, kung saan nagwagi ang mga ito ng gold medals laban sa mga Asian rivals.
Sapat ito para igawad sa ABAP ang isa pang NSA of the Year na ipinagkakaloob ng country’s oldest media organization, na nakatakdang kilalanin ang top sports personalities at entities sa annual gala night sa March 6 sa Centennial Hall ng Manila Hotel.
Sa pagsungkit sa overall title ng 30th SEA Games, ang Team Philippines ang tinanghal na Athlete of the Year sa event na ipiprisinta ng the Philippine Sports Commission, MILO, Cignal TV, the Philippine Basketball Association, AirAsia, at Rain or Shine.
Ang 27 anyos na si Petecio ang nanguna sa matagumpay na kampanya ng ABAP, nang sumuntok ito ng gold medal sa AIBA Women’s World Boxing Championships sa Ulan, Ude, Russia matapos talunin ang hometown bet na si Liudmila Vorontsova via split decision sa kanilang featherweight division clash.
Habang si Felix Eumir Marcial naman ay nag-uwi ng silver medal sa kaparehong world tournament sa Yekaterinburg, Russia. Pangatlong Pinoy pug si Marcial na tumapos na runnerup sa nasabing world championship matapos sina light-flyweights Roel Velasco (1997) at Harry Tanamor (2007). At si former world champion Josie Gabuco naman ay gold medal winner sa ASBC (Asian Boxing Confederation) Elite Boxing Championships sa Bangkok, Thailand.
Bago ang panalo ni Petecio, si Gabuco muna ang naging AIBA world women’s champion noong 2012.
At sa nakaraang SEA Games, ibinandera ng tatlo ang PH boxing team sa paghablot sa overall title sa boxing event matapos kumulekta ng pitong ginto. (VT ROMANO)
366
