BACOOR, BASILAN NAMUMURO

SUSUBUKANG tapusin sa Lunes (Pebrero 24) ng Basilan Steel sa mismong home court nila ang Iloilo United Royals sa South division quarterfinal clash ng Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season Cup.
Lumapit ang Basilan sa semifinals matapos ang 83-68 win laban sa Iloilo United Royals kamakalawa.
Sa hiwalay na laro ay nilampaso naman ng Bacoor Strikers ang General Santos Warriors, 95-72 sa Strike Gymnasium.

Humugot ng inspirasyon mula sa hometown crowd ang second seed Strikers, na sa pangunguna ni MPBL Datu Cup MVP Gab Banal ay agad umatake ng 20-4 at hindi na lumingon mula roon.
Isang panalo na lang ang kailangan ng Strikers para tapusin ang best-of-three quarterfinals kontra Warriors.
Mula sa unang walong puntos, si Banal ay kumulekta ng kabuuang 20 points, 11 assists, three rebounds at two steals, habang si Michael Mabulac ay nagposte ng 15 points at 12 rebounds, may 13 points, five rebounds, three assists at three steals naman si Oping Sumalinog at sina Ian Melencio at RJ Ramirez ay nag-ambag ng tig-10 puntos.

Halos hindi naman alintana ng third seed Basilan ang pagkawala ni Gilas pool member Allyn Bulanadi, nang agad umatake ng 12-point salvo at umabante pa ng 20 points, 75-55.
Nanguna para sa Steel si Jhapz Bautista na may 21 points, kasama ang tatlong triples, habang sina Hesed Gabi at Dennis Daa ay may tig-10 points.  (VT ROMANO)

208

Related posts

Leave a Comment