SUPORTADO ng ACT CIS Party-list si presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa panawagan nitong pagkakaisa o “unity” at sa pangakong ipagpapatuloy ang mga programang nasimulan ng Duterte administration.
Ayon kay Edvic Yap, nominee ng ACT-CIS, sa halip na bumanat, pagkakaisa ang tema ng BBM-Sara team na kanilang nagustuhan.
Ani Yap, ang ibang kandidato ay panay puna at banat ang ginagawa habang ang UniTeam ay pilit inaabot ang kamay para sa pagkakaisa tungo sa recovery ng bansa sa pandemic at pag-unlad ng ekonomiya.
Kilalang kaalyado ng Duterte Administration ang ACT CIS kaya natuwa ito nang sabihin ni BBM na ipagpapatuloy ang mga hindi natapos na proyekto ni Pangulong Duterte.
Dagdag pa ni Yap, “napakaganda ng Build Build Program ni PRRD at tanging si BBM lang ang nangako na ipagpapatuloy niya ito sakaling mahalal na pangulo”.
Nangako si Yap na kapag naibalik sila sa Kongreso, susuportahan nila lahat ng priority bills ni BBM kapag nailuklok din ito ng mga tao sa Malacañang.
316