SUMADSAD sa 13% ang active COVID-19 cases sa Navotas City makaraaang may 52 na gumaling noong Biyernes, ayon kay Mayor Toby Tiangco.
Nabatid na hanggang alas-8:30 ng gabi noong Agosto 28 ay 541 na lamang ang aktibong kaso ng COVID sa lungsod kahit na may 58 bagong nagkasakit.
Umalagwa naman sa 3,605 o 84% ang gumaling mula sa 4,262 na nagpositibo sa nasabing sakit habang habang 122 o 3% na ang namatay.
Kaugnay nito, pinayagan na sa lungsod ang delivery, take-out at drive-thru services ng mga restaurant at iba pang food establishments nang lagpas sa 8pm-5am citywide curfew,
Nakasaad sa Executive Order No. 044, pinapayagan na ang food establishments na mag-operate lagpas sa curfew hours upang makapag-deliver ng pagkain sa loob at labas ng lungsod, at makapagsilbi ng take-out at drive-thru services only sa authorized persons outside of residence (APOR).
Saklaw rin ng kautusan ang mga kainan sa loob ng grocery stores at supermarkets na mayroong delivery services.
Gayunpaman, ang dine-in nang lagpas sa curfew hours ay ipinagbabawal, at ang mga hindi APOR ay bawal ding bumili ng pagkaing take-out o drive-thru mula 8PM-5AM.
“There is still demand for food services during curfew hours from those who work at night. These include doctors, nurses, other health personnel, ambulance drivers, call center agents, security guards and workers at Navotas Fish Port Complex,” ani Mayor Toby Tiangco.
Kinakailangang mahigpit na ipatupad ng food establishments ang social distancing at iba pang safety protocols, at kailangan ding magsagawa ng masusi at regular na sanitation at disinfection.
Samantala, dalawang COVID-19 patients mula sa Barangay Catmon at Tañong ang binawian ng buhay sa Malabon City noong Biyernes kaya’t umabot na ang pandemic death toll sa siyudad sa 150.
Tumaas naman ng 94 ang tinamaan ng COVID at sa kabuuan ay 3,665 ang positive cases, 641 dito ang active cases.
Sa kabilang dako, 57 katao ang nadagdag sa bilang ng mga pasyenteng gumaling. Sa kabuuan ay 2,874 ang recovered patients ng Malabon.
Alas-9:00 naman ng gabi noong Biyernes ay 4,420 na ang nagpositibo sa COVID-19 sa Valenzuela City, ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU).
Napag-alaman pa sa CESU na nasabing bilang ay 3,406 na ang gumaling habang 879 ang active cases at 135 na ang sumakabilang buhay. (ALAIN AJERO)
100