Umakyat na sa 124 ang active COVID-19 cases sa Valenzuela City, batay sa pinakahuling ulat ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU).
Sa ulat ng CESU na may petsang Hulyo 20, hanggang alas-11:59 ng gabi ng nasabing araw, umabot sa 101 sa active cases ang naka-home quarantine, 12 ang nasa isolation facility at 11 ang nakaratay sa ospital.
Pumalo na sa 44,518 ang cumulative confirmed cases sa lungsod matapos na 35 ang nagpositibo sa nakamamatay na virus, at dito ay 43,455 na ang gumaling makaraang 10 ang madagdag sa mga nakarekober, habang 939 naman ang COVID death toll. (ALAIN AJERO)
181 